104

By

Senate probe kay Calida, hindi ipatitigil ng Korte Suprema

Tiniyak ni Senate President Vicente Sotto III na hindi pipigilan ng Korte Suprema ang imbestigasyon ng Senado sa paratang na katiwalian laban kay Solicitor General Jose Calida.

Ayon kay Sotto, tiwala siya sa anumang pasya ng Korte Suprema pero batid niyang hindi ito umaawat sa mga pagdinig ng Senado lalo na kung para ito sa paglikha o pag-amyenda ng mga batas.

“Let’s wait for what the Supreme Court will say…but I don’t think the Supreme Court will prevent a committee from hearing (this) especially if it is in aid of legislation,” pahayag ni Sotto.

Nu’ng nakaraang linggo, hiniling ni Calida sa Kataas-taasang Hukuman na mag-isyu ng temporary restraining order upang hindi matuloy ang imbestigasyon ng Senado kung saan gusto lamang umano siyang ipahiya ni Senador Antonio Trillanes IV na siyang nagpatawag ng pagdinig.

Puntirya ni Trillanes na bungkalin ang mahigit P260 milyong halaga ng 14 na kontratang nakuha sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno ng security agency ng pamilya ni Calida na Vigilant Investigative and Security Agency, Inc.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?