102

By

Senate President ‘di puwedeng pamalit sa Pangulo – Drilon, Hontiveros

Sharing is caring!

Ibinasura ng mga senador ang isinusulong sa Kamara na gawing pamalit ang pangulo ng Senado kapag bumaba o natanggal sa pwesto ang pangulo ng bansa.

Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na wala itong lohika at magpapahina pa sa gobyerno dahil palaging pwedeng mapalitan ang pangulo ng Senado.

Inihahalal ng mga senador ang pangulo ng kapulungan at pwede itong bawiin anumang sandali kapag ginusto ng mayorya.

“You know, the Senate President is subject to election and change at any time by the 23 senators. The senate presidency is a gift of the 23 senators,” diin ni Drilon.

Sa panukalang federal constitution sa Kamara na inakda ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo, gagawing pamalit sa pangulo ang Senate President sa halip na ang bise presidente.

Ayon naman kay Senadora Risa Hontiveros, malaking kalokohan ang gusto ng Kamara dahil labag sa umiiral ngayong Konstitusyon at salungat sa matagal nang rule of succession sa gobyerno.

Tiyak nito na hindi susuporta ang mga kapwa senador kahit si Senate President Tito Sotto.

Dahil sa panukala ng Kamara, lalo umanong nabulgar na hindi nila hangad ang ikabubuti ng bansa kundi ang pagpapatibay lang ng kanilang kapit sa pwesto.

“Instead of taking the necessary time to deliberate and fulfill the important and difficult requirements in order for any shift to federalism to become successful, such as breaking up political dynasties, dismantling private armies and building financial sustainability, among others, they busy themselves in trying to break the constitutional line of succession. This further exposes President Duterte’s federalism as a sham, with the sole intent of extending their stay in power,” sabi ni Hontiveros.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?