14

By

Senate employees nakasalang sa random drug test

Sharing is caring!

Isinasailalim ngayon sa mandatory random drug test ang mga empleyado ng Senado.

Sa flag raising ceremony kanina, inanunsiyo ni Senate President Vicente Sotto III ang drug test.

Bilang suporta rito, nagkusa at nauna si Sotto na magpa-drug test kasama ang matalik na kaibigan na si Senador Gregorio Honasan.

May five-panel drug test na gagamitin para masuri ang lahat ng uri ng iligal na droga.

Sasailalim dito ang 25 porsiyento o 400 mula sa may 1,700 na kawani ng Senado at empleyado ng mga senador.

Napili sa isang raffle draw noong nakaraang linggo ang sasalang sa drug test at kanina lamang ito inianunsiyo.

“I urge those who will be called to submit themselves total random naman to ensure a drug- free workplace,” sabi ni Sotto. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?