18

By

Senate employees may P5K umento

Sharing is caring!

Tatanggap ng P5,000 umento kada buwan ang may 1,700 na rank and file employees ng Senado.

Inihayag ito ni Senate President Vicente Sotto III sa flag raising ceremony ng Senado ngayong umaga.

Ayon kay Sotto, ang umento ay dagdag sa “Grocery at Transport Allowance” ng mga kawani at epektibo noong Hulyo 1, 2018

Kunsiderasyon aniya ito sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Matagal na umanong humihingi ng umento ang mga kawani ng Senado at iyon ay bago pa ang pagsasabatas ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Nahanapan ito ng badyet nina Sotto at Senador Panfilo Lacson, chairman ng Senate committee on accounts. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?