45

Nov 2, 2017 @ 17:59

Senate debate sa budget, tax reform isasantabi muna

Ipagpapaliban ng Senado ang pagbubukas ng regular na sesyon dahil sa idaraos na ika-31 pulong ng Association of South East Asian Nations (ASEAN).

Nakatakda ang pagbubukas ng sesyon sa Nobyembre 13, nataon na kasabay ng ASEAN summit na idaraos sa Nobyembre 13 hanggang 15 sa CCP Complex kung saan naroon ang Senate building.

Ayon kay Pimentel, hindi na nila ipipilit na sabayan ng sesyon ang ASEAN dahil magiging mahigpit ang seguridad sa mga araw ng pagdaraos nito.

Sasarhan sa trapiko at sa publiko ang buong CCP Complex at malapit ditong mga lansangan.

Dahil dito, sinabi ni Pimentel na apektado ang kanilang pagtalakay sa minamadaling panukalang batas ukol sa pambansang budget para sa 2018 at ang panukalang tax reform package.

“Security measures will be too tight hence better than the entire Senate cooperate with our security authorities,” ayon kay Pimentel. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?