19

Aug 19, 2020 @ 13:51
By

Senate committee report sa PhilHealth probe hinahanda na – Sotto

Sa kabila ng mga kasinungalingan at pagtanggi, nakahanda na ang Senado na gumawa ng report ukol sa kanilang imbestigasyon sa alegasyon ng korapsiyon sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), ayon kay Senate President Vicente Sotto III.

“I am ready to draft and formulate a committee report with recommendations,” pahayag ni Sotto sa kanyang text message sa mga reporter.

“We are done with the carousel of denials and lies! Enough is enough,” dagdag pa nito.

Nahaharap sa imbestigasyon ang PhilHealth dahil kuwestiyonableng paglabas ng pondo sa pamamagitan ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM), “grossly overpriced” na IT equipment, at iba pa.

Sinabi naman ni Senador Panfilo Lacson na sapat na ang testimonya at dokumentong iprinisenta sa Senado ng mga resource person sa huling tatlong pagdinig para madiin ang mga taong responsible sa katiwalian sa PhilHealth.

“The evidence, supported by official documents and testimonies provided by the resource person are… sufficient enough to indict people responsible, directly or otherwise for the systematic corrupt practices and malevolent acts that have practically dragged the PhilHealth to its present financial death bed,” sabi ni Lacson sa kanyang text message.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?