83

Feb 21, 2020 @ 14:18
By

Senate Blue Ribbon makikisawsaw na sa POGO probe

Plano ng Senate Blue Ribbon Committee na imbestigahan ang krimen at diumano’y korapsiyon na may kinalaman sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ayon kay Senador Richard Gordon, chair ng Senate Blue Ribbon (Accountability of Public Officers and Investigations) committee, nakausap na niya si Senadora Risa Hontiveros hinggil sa balak niyang pag-imbestiga tungkol sa POGO.

“I can always come in (to investigate), with all due respect to my fellow senators, kaya powerful yung blue ribbon… I can motu proprio say ‘I’ve had enough, may nakikita akong malfeasance dito sa BI, sa Internal Revenue (BIR), sa Pagcor (Philippine Amusement and Gaming Corporation),’” pahayag ni Gordon sa panayam sa DZMM kahapon.

Nauna nang ibinunyag ni Hontiveros ang “pastillas” money-making scheme sa Bureau of Immigration (BI) kung saan tumatanggap ang ilang immigration officers ng P10,000 mula sa mga Chinese national kapalit ng mabilisan nilang pagpasok sa bansa.

Si Hontiveros ang chair ng Senate Committee Women, Children, Family Relations and Gender Equality, na nauna nang nag-imbestiga hinggil sa mga krimeng nakakabit sa POGO kabilang ang protitusyon at trafficking.

“Nag-usap na kami ni Risa, sabi ko ‘When you’re ready, papasok ang blue ribbon with your permission.’ Dahil, siyempre, siya ang nag-iimbestiga niyan. Siya ang nag-expose,” sabi pa ni Gordon.

Ayon pa kay Gordon, nais niyang saliksikin ang briber scheme sa BI kung saan kumikita ng daang milyong piso sa “pastillas scheme” na pinapatakbo ng mga kasalukuyan at dating mga kawani ng ahensiya.

“Uncontrolled ‘yan e, parang gripong pumapasok, hindi mo na mapatay (dahil di mo na ma-distinguish,” sabi ni Gordon.

“Hindi mo alam kung visa on arrival ‘yon o tourist at hindi natin ma-trackdown. Hindi mo na alam kung nakakuha ng special working permit, hindi na yan nagbabayad na rin nung income tax nila,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?