49

Oct 30, 2021 @ 19:15
By

Senate bets ng 1Sambayan blangko pa rin

Hihintayin pa umano ng koalisyong 1Sambayan ang substitution deadline na Nobyembre 15 bago ilabas ang mga pambato nila sa Senado para sa 2022 elections.

“The 1Sambayan senatorial slate is under discussion among convenors but I think we’ll wait until after Nov 15 to finalize as we’re told there may be some movements yet,” pahayag ni 1Sambayan convenor Bro. Armin Luistro sa ulat ng Manila Bulletin ngayong Sabado.

Bagamat sinusuportahan ng koalisyon ang kandidatura ni Bise Presidente Leni Robredo, hindi umano nila ieendorso lahat ng nasa senate slate nito.

“We’re not bound to get (the) full slate of VP (Robredo). Maybe just half then 1Sambayan will add its own. But discussions (are) ongoing,” wika pa ni Luistro.

Ang 12 senatoriables na idineklara ni Robredo ay binubuo nina Senador Risa Hontiveros, Senador, Leila de Lima, Atty. Chel Diokno, ex-Senator Antonio Trillanes IV, Teddy Baguilat, ex-Vice President Jejomar Binay, Gov. Chiz Escudero, Alex Lacson, Sonny Matula, Senador Dick Gordon, Senador Joel Villanueva, at Senador Migz Zubiri.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?