123

Jul 30, 2021 @ 19:41
By

Senador nabanas, US Defense chief nag-mask at face shield sa ‘Pinas

Hindi natuwa ang Amerikanong senador na si Marco Rubio sa pagsusuot ng face mask at face shield ng kanilang Defense secretary na si Lloyd Austin nang dumating sa Pilipinas noong Huwebes.

Giit ni Rubio, bakunado naman ang kanilang Defense chief.

“Our @SecDef is vaccinated. But he arrives in the Philippines wearing a mask AND a face shield. Embarrassing COVID theatre,” reaksyon niya sa video nang lumapag sa bansa si Austin nang nakasuot ng mask at face shield.

Matatandaang nananatiling requirement sa Pilipinas ang pagsusuot ng face mask at face shield dahil sa COVID-19.

Sinabi ng US Embassy na pinag-usapan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Austin ang mga paraan upang mapalakas pa ang US-Philippine security cooperation.

Nitong Biyernes ay binawi ng Pangulo ang desisyong pagbasura sa Visiting Forces Agreement.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?