70

Oct 8, 2017 @ 13:47

Senador, bumilib sa pagpapakumbaba ni Joey de Leon

Nagbunyi si Senator Risa Hontiveros sa paghingi ng tawad ni Joey de Leon sa Eat Bulaga kaugnay sa pananaw niya sa depresyon at willingness na mapalaganap ang epekto nito.

Idinaan ng senadora ang paghanga niya sa ginawa ni JDL.

“Appreciate Mr. Joey de Leo for admitting his mistake & apologizing, & invite him to join us in raising awareness about mental health,” tweet ni Sen. Risa.

Nasuklian ng paghanga ang pagpapakumbaba ni Joey sa ginawang apology. Maging ang anak niyang si Jocas de Leon ay sumaludo sa humility ng ama. Hindi nga naman ganoon kasimple ang aminin at humingi ng tawad sa national TV, huh!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?