23

Oct 9, 2017 @ 16:11

Senado walang time frame sa impeachment

Walang inilatad na timetable ang Senado sa anumang kaso ng impeachment na isasampa sa kanila.

Ito ang binigyang-diin ni Senador Francis “Chiz” Escudero sa gitna ng napipintong pag-akyat sa Mataas Kapulingan ng Kongreso ng impeachment case laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

“Ang may time frame at timetable ang house to act on the impeachment complaint. Nasa rules nila un, sa parte namin wala akong alam na dapat namin aktuhan o galawan dahil depende yun sa ebidensyang ipi-presenta ng magkabilang panig,” saad ni Escudero.

Nilinaw din ni Escudero na walang dagdag na pondong inilalaan ang Senado sa mga ganitong uri ng pagdinig.

“Mas marami lang trabaho para sa amin dahil ibig sabihin kaiilangan namin, presumbaly impeachment proceedings sa umaga, session sa hapon,” dagdag ni Escudero.

Una nang sinabi ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel na nagsimula na ang kanilang mga tauhan na reviewhin at bumangkas ng bagong rules of impeachment.

Ipinaliwanag naman ni Escudero na kailangan ding aprubahan ng mga senador ang bagng kalendaryo para sa impeachment dahil hindi naman maaaring mabalam ang iba nilang trabaho.(Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?