20

By

Senado tuloy ang budget hearing kahit tumigil ang Kamara – Legarda

Sharing is caring!

Hindi apektado ang Senado ng pag-aalburuto ng mga konggresista kaugnay ng panukalang pambansang badyet para sa 2019.

Sinabi ni Senadora Loren Legarda na ipagpapatuloy nila sa Senado ang preliminary budget hearings batay sa ginawa nilang skedyul.

Ito’y para hindi na matagalan ang Senado sa pagtalakay ng badyet kapag inakyat na ito ng Kamara.

“The Senate Finance Committee will continue with the budget hearings as scheduled,” ayon kay Legarda na chairman ng kumite.

“I am confident that the House will resolve these concerns in due time,” dagdag ng senadora.

Una rito, sinabi ni Davao City Rep. Karlo Nograles, chairman ng House Appropriations Committee, na suspendido muna ang kanilang pagtalakay sa National Expenditure Program (NEP), ang panukalang batas para sa 2019 na binalangkas ng Malacanang.

Ayaw ng mga konggresista sa cash-based budgeting na itinakda rito ng Department of Budget and Management (DBM).

Sa ilalim nito, isang taon lang ang bisa ng badyet para sa lahat ng proyekto ng gobyerno. Ang hindi magagamit sa katapusan ng taon ay kailangang ibalik sa national treasury.

Mas gusto ng mga konggresista ang obligation budget kung saan tatapusin ang paggamit sa alokasyon para sa proyekto kahit abutin ng dalawa o higit pang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?