81

Dec 28, 2017 @ 15:22
By

Senado tinulugan ang Workers’ Safety Bill’ – Gabriela

Pinaaaksyunan na ng grupong Gabriela sa mga senador ang Occupational Safety and Health (OSH) bill kasunod ng trahedya sa NCCC mall sa Davao City na ikinasawi ng 37 empleyado.

Ayon kay Gabriela Rep. Arlene Brosas, mahigit isang taon nang nakabinbin sa Senado ang nasabing panukalang batas.

Binanggit ni Brosas na base sa impormasyon mula sa ibang empleyado ng SSI, walang fire alarm, nakakandado ang fire exits at hidi gumawa ang sprinklers sa kanilang opisina na nasa loob ng NCCC mall na rehistrado bilang economic zone sa ilalim ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

“The NCCC mall fire tragedy yet again exposes how PEZA-registered ecozones are violating fire and occupational safety standards right under the government’s nose. We’ve seen this in the HTI tragedy in Cavite Export Processing Zone and in the Resorts World incident,” sabi ni Brosas.

“Ilang manggagawa pa ba ang kailangang magbuwis ng buhay para gawing mandatory ang inspection?” dagdag ng kongresista.

Dismayado si Brosas na patuloy na inuupuan ng Senado ang OSH bill gayung kasama ito sa priority bills ng Kongreso.

Sa ilalim ng panukala, gagawing mandatory ang inspeksyon sa lahat ng lugar ng trabaho kabilang ang mga nasa ecozones at papatawan ng mabigat na parusa ang mga employer sa mga aksidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?