54

Dec 13, 2017 @ 14:21

Senado pinaboran ang martial law extension sa botong 14-4

Sa botong 14-4, pinaboran ng Senado ang kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang martial law sa Mindanao ng isa pang taon.

Ang mga senador tumutol sa martial law extension ay Senate Minority Leader Franklin Drilon at Sens. Francis “Kiko” Pangilinan, Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, and Risa Hontiveros.

Kinuwestiyon ng minority senators ang legalidad ng kahilingan ni Duterte dahil sa idineklara na namang malaya ni Duterte ang Marawi City noong Oktubre.

Ayon kay Drilon, ang isa na namang extension ng martial law ay magiging prelude sa pagdeklara nito sa buong bansa.

“The NPA conflict has been there for the last four decades. Suddenly, the NPA is cited as an additional group for martial law extension in Mindanao…Is this now a prelude to declaring martial law nationwide?” pahayag ni Drilon sa joint session ng Kongreso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?