96

Sep 11, 2021 @ 19:07
By

Senado nagsasayang lang ng oras – Medialdea

Nasasayang ang panahon sa paglaban sa COVID pandemic dahil sa imbestigasyon ng Senado sa mga nabiling medical equipments ng gobyerno.

Ito ang paniniwala ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa harap ng mainit na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa isyu nang pagbili ng Personal Protective Equipments at face mask ng ehekutibo para sa COVID pandemic.

Sinabi ni Medialdea kay Pangulong Rodrigo Duterte na kung binasa lamang ng mga Senador ang report ng ehekutibo sa Bayanihan 1 at 2 ay wala sanang mga ganitong imbestigasyon sa Senado.

“They would have at least cared to read report so we could have avoided all this hearing. We’re wasting so much effort, time. In fighting time a pandemic, we cannot waste a daily hearing on all these matters,” ani Medialdea.

Binigyang-diin ng kalihim na sa ilalim ng Bayanihan Law, obligado silang magsumite ng report linggo linggo na nagawa naman ng ehekutibo at kung binasa lamang aniya ito ng mga mambabatas ang bulto bultong report ay wala sana ang ingay ngayon sa Senado.

“For how many weeks, voluminous records. As the records will bear us out that weekly reports were done under Bayanihan 1 and 2,” dagdag ni Medialdea.

May duda ang kalihim na tila nais pahabain pa ng Senado ang pag-iimbestiga at lampasan ang 25 araw na imbestigasyon noon laban kay dating Vice-President Jejomar Binay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?