26

May 11, 2020 @ 20:05
By

Senado, nagbigay pugay sa pumanaw na si Peque Gallaga

Nakiramay ang Senado nitong Lunes sa mga naulila ni award-winning film director Peque Gallaga.

Mayo 7 ng umaga sumakabilang-buhay sa isang ospital sa Bacolod City ang batikang direktor sa edad na 76 dahil sa komplikasyon na nakuha nito sa mga dating sakit.

Nakilala sa 1982 film na “Oro Plata Mata”, kinilala sa P.S. Resolution No. 398 ang mga kontribusyon ni Gallaga sa Philippine cinema.

Kabilang sa mga natatanging mga award-winning work ni Gallaga ang “Scorpio Nights”, “Magic Temple”, “Shake, Rattle and Roll” movies at “Magic Kingdom”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?