43

By

Senado nag-Christmas break na, 2019 budget natengga

Bakasyon na para sa holiday season ang Senado matapos nitong mag-adjourn ng sesyon ngayong araw (Dec. 13).

Magpapatuloy ang kanilang session sa Enero 14, 2019 ng alas-10:00 ng umaga.

Gaya ng inaasahan, hindi naaprubahan ang 2019 budget.

Depensa ni Majority Leader Juan Miguel Zubiri, kahit matapos ng Senado ang hinggil sa budget ay hindi rin mararatipikan dahil ang gusto umano ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., ay sa susunod na taon na lang gawin ang bicameral conference committee hearing sa budget.

Aniya, halos nakumpleto naman umano ng Senado ang pagtalakay sa budgets ng iba’t ibang ahensiya maliban sa ilang departamento gaya ng Department of Tourism at Department of Public Works and Highways.

Matatandaang ilang senador ang nagpatutsada sa Kamara sa pagkaantala ng pagpasa sa budget dahil umano sa hindi matapos na “insertions” dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?