27

By

Senado magiging cooperative, independent, fiscalizer – Sotto

Sharing is caring!

Tiniyak ni Senate President Vicente “Tito” Sotto na sa kaniyang pamumuno, makakatuwang ng Duterte administration ang Senado sa pagsusulong ng mga batas na para sa kapakanan ng taumbayan.

Gagawin umano ito habang nananatili ang Senado na independent at fiscalizer.

Inihalal si Sotto ng mga senador na kasapi ng majority bloc matapos nilang madismaya sa anila ay malambot na pamumuno ni Senador Koko Pimentel sa Senado.

Sa panayam bago siya mahalal, sinabi ni Sotto na ipaglalaban din niya ang Senado kapag inuupakan nang wala sa lugar.

Sa kaniya namang acceptance speech bilang bagong pangulo ng Senado, sinabi ni Sotto na gagawin niya ang buong makakaya para mapagbuti ang pamumuno sa Senado.

“I am committed to do my very best, with your (mga senador) help, I am confident that I have in my background the template of nine (9) other Senate Presidents that I have served,” ani Sotto.

Aminado naman ito na nalula sa bago niyang posisyon na unang beses niyang mahahawakan.

“A little stress because I am looking at the incoming measures that have to be tackled. Nakakalula. But siyempre we have to reply on our experience and the help of my colleagues because the Senate President will not be able to do it alone,” ani Sotto.

Dahil sa mataas niyang posisyon, tigil muna si Sotto sa paglabas sa noontime show na “Eat Bulaga”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?