66

Sep 13, 2018 @ 14:52
By

Senado kinalampag sa Anti-Power Lines Disturbance Bill

Sa harap ng inaasahang pananalasa ng bagyong Ompong, tiyak umano ang malawakan na namang brownout dahil sa banta ng malakas na hangin sa mga linya ng kuryente.

Umaasa si 1-CARE partylist Rep. Carlos Roman Uybarreta na aaksyunan na ng Senado ang House Bill 6276 o ang Anti-Power Lines Disturbance bill.

Sa ilalim ng panukala, binibigyan ng kapangyarihan ang mga electric cooperatives at distribution and transmission utilities na linisin ang lahat ng potential hazards sa mga linya ng kuryente para maiwasan ang brownouts.

Giit ni Uybarreta, mas mabuti nang agapan ang aberya para maiiwas na rin sa peligro ang mga technical crew.

Sa ganitong paraan, pwede anyang mailigtas ang mga customer sa problema sa brownout na kadalasang kasunod ng pananalasa ng malalakas na bagyong nagpapabuwal ng mga puno na malapit o nasa ilalim ng mga linya ng kuryente.

Nakasaad sa Anti-Power Lines Disturbance bill na ipinasa ng Kamara ang probisyon na naka-reserba lamang sa Court of Appeals ang kapangyarihan na mag-isyu ng injunctions o temporary restraining orders laban sa paglilinis ng right-of-way areas.

“HB 6276 also requires applicants for building permits to secure first the permission of electric cooperatives before they build any structures at or near the right-of-way zone at power lines and facilities,” ayon kay Uybarreta,

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?