159

By

Senado kinalampag na sa Universal Health Care bill

Nanawagan si Presidential Spokesman Harry Roque sa mga senador na ipasa na ang nakabinbing Universal Health Care bill na isa sa laman ng mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa katatapos na State of the Nation Address (SONA).

Ayon kay Roque, nagawa na ng Kamara ang kanilang trabaho at nasa mga senador na ang bola para maging ganap na ang panukalang inakda nito.

Sa SONA ng Pangulo noong Lunes, nais nitong gawing prayoridad ng mga mambabatas ang Universal Health Care para mapakinabangan ng mga mamamayan lalo na ng mga mahihirap na sektor.

“The President has sent a clear, loud, and unequivocal message regarding universal healthcare to Congress, and the House has done its part. It’s time for the Senate to do the same,” ani Roque.

Sa ilalim ng Universal Health Care, magkakaroon ng access ang lahat ng mga Filipino sa de-kalidad na serbisyong pangkalusugan kahit ano pa ang antas nito sa pamumuhay.

“Napakalaking ginhawa ito para sa bawat Filipino, lalo na sa mga mahihirap. Basta Filipino ka, obligado ang gobyerno na bigyan ng benepisyo na pangkalusugan; hindi magiging isyu ang kapasidad ninyo magbayad––importante lang ay ipinanganak kang Filipino.

“This will ensure that every Filipino family gets the appropriate, affordable, and quality health services in appropriate facilities and will be protected from financial burden due to sickness,” dagdag pa ni Roque.

Aminado ang kalihim na marami pang dapat gawin para mapaganda ang health care system sa bansa. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?