52

Dec 11, 2017 @ 11:01
By

Senado at Kamara, may joint session sa Huwebes o Biyernes

Maaaring hindi na magdaos ng special session ang dalawang kapulungan ng Kongreso para talakayin ang usapin ng martial law extension sa Mindanao.

Paliwanag ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas, meron pa naman silang hanggang Biyernes kung kailan opisyal na matatapos ang sesyon bago ang Christmas break ng Kongreso.

Ayon kay Fariñas, puwedeng sa Huwebes o Biyernes magdaos ng joint session ang Senado at Kamara para desisyunan kung palalawigin ang batas militar sa Mindanao.

Bagama’t hanggang Miyerkules lamang ang sesyon, hanggang Disyembre 15 ang kasama sa bilang ng 2nd regular session ng Kongreso.

Ngayong araw nakatakdang isumite ng Malakanyang ang sulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang kapulungan para pormal na hilingin na i-extend pa ng isang taon ang martial law. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?