34
martin-andanar-
Dec 2, 2017 @ 15:20
By

Senado, Kamara magkakasundo rin sa 2018 budget – Palasyo

Kumpiyansa ang Malacañang na magkakasundo rin ang mga senador at mga kongresista sa kani-kanilang bersiyon sa panukalang P3.767 trillion national budget para sa susunod na taon.

Sa harap na rin ito ng naging aksiyon ng Senado na tapyasan ang ilang alokasyon na inaprubahan ng Kamara.

Sinabi kahapon ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, mayroon pa namang bicameral conference committee na magiging venue para iresolba ng mga mambabatas ang hindi pagkakaintindihan sa panukalang 2018 national budget.

Panghahawakan aniya ng Palasyo ang naging pahayag ni Senadora Loren Legarda na hindi magkakaroon ng reenacted budget sa susunod na taon.

“Well, anything is a possibility and it will really be up to the members of the bicameral committee to discuss and to tresh out their differences in the budget. I am pretty sure that mahahanapan naman ito ng resolusyon just like during the past bicameral conferences, nagkaroon po ng differences sa Senado at Lower House. And at the end of the day, it will really be up to the negotiators of both Upper House and Lower House.

“Both Houses are really the holder of the purse. At the end of the day, I believe it would not be reenacted. We will have a budget for 2018,” ang pahayag ni Andanar.

Sakaling hindi magkasundo ang dalawang kapulungan ng Kongreso, gagamitin ng gobyerno ang naipasang budget noong nakalipas na taon na P3.35 trilyon.

Kabilang sa mga tinapyas ng Senado sa House version ng 2018 budget ay ang P50 bilyon sa budget ng Department of Public Works and Highways para sa right-of-way acquisitions, P900 milyong anti-drug campaign fund ng Philippine National Police at P500 milyong drug program ng Department of Interior and Local Government na inilipat bilang pondo para sa pabahay ng mga sundalo at pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?