29

Dec 11, 2017 @ 21:46
By

Senado, Kamara joint session sa Martial law extension

Magpapasya na sa Miyerkules ang Senado at Kamara kaugnay ng kahilingan ni Pangulong Duterte na palawigin pa ng isang taon ang pinaiiral na martial law sa buong Mindanao.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel, alas-9 ng umaga, magtitipon sila sa Kamara kung saan inaasahan aniyang kakatigan ng mayorya ang pagpapalawig ng martial law kasama ang patuloy na suspensyon ng privilege of the writ of habeas corpus.

Sinabi ito matapos matanggap ng liderato ng dalawang kapulungan ang formal request buhat sa pangulo.

Ayon kay Pimentel, bago sila humarap sa joint session, bibigyan muna sila ng briefing ng security officials bukas, Martes, para ipaliwanag sa kanila kung bakit kailangan pang patagalin ang martial law.

Agad namang ipinahayag ni Pimentel na pabor siya sa pagpapalawig ng martial law na aniya ay hindi naman nakakatakot.

“Wala naman akong natatanggap na negative report. Pag nagtatanong naman ako, parang this is a benevolent martial law. walang effect excpet that out of the camps ang military,” ani Ejercito.

Idinahilan dito na kailangang tapusin ang rebelyon sa Mindanao at kailangang pigilan ang paglaganap ng rebelyon sa iba pang bahagi ng bansa.

Hiniling din ni Duterte ang martial law extention para malipol ang DAESH-Inspired Da’awatul islamiyah Waliyatui Masriq (DIWM), Local/Foreign Terrorist Groups (L/FTGs), Armed Lawless Groups (ALGs), at mga communist terrorists (CTs) at kanilang taga-kanlong, taga-suporta at tagatustos.

Diumano ay nagpapalakas ang mga naiwang grupo nina Esnilon Hapilon ng Abu Sayaff Group at mga Maute.

Mayroon umanong nagrerecruit ng mga bandito sa Central Mindanao partikular sa Maguindanao, North Cotabato, Sulu at Basilan.

Nanggugulo rin umano ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at mga naiiwan pang kasapi ng Abu Sayaff Group (ASG) sa Basilan, Sulu, Tawi-tawi at Zamboanga Peninsula. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?