29

Oct 4, 2020 @ 12:10
By

Senado kakasuhan mga PhilHealth exec – Lacson

Posibleng magsampa ng kanilang sariling kaso ang Senado laban sa mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na hindi kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng diumano’y katiwalian sa state health insurer, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Ginawa ni Lacson ang pahayag matapos maghain ang NBI ng graft at malversation charges laban sa mga PhilHealth official hinggi sa anomaly sa Interim Reimbursement Mechanism (IRM).

“Puwede kaming mag-initiate mismo ng pagfa-file ng kaso against sa mga tao na hindi naisama ng task force,” sabi ng senador sa panayam sa dzBB.

“Kasi wala namang magpe-prevent sa amin kung dudulog kami sa Ombudsman bilang isang body, bilang Senado, o bilang Kongreso kung sasama pa rin ‘yung House of Representatives,” dagdag pa nito.

Ang mga nahaharap sa reklamno sa Office of the Ombusman ay ang mga nagbitiw na sina dating PhilHealth chief Ricardo Morales, executive vice president and chief operating officer Arnel De Jesus, at senior vice presidentsRenato Limsiaco, Jr. at Israel Francis Pargas,

Sabi ni Lacson, bagama’t may sarili silang imbestigasyon ang mga rekoamo inihain ng NBI laban sa mga opisyal ng PhilHealth ay ibinatay sa pagsisiyasat ng task force na pinanngunahan ng Department of Justice (DOJ).

“Kung ang aming pananaw base sa aming imbestigasyon ay mas may dapat pang makasuhan, iba naman ‘yung pananaw ng DOJ dahil sila naman ang nag-imbestiga na inatasan ng Pangulo,” ani Lacson.

“Sila [task force] ‘yung mas may karapatan kung sino ang isasama,” dagdag pa nito.

Sa kabila ng mga inihaing reklamo, sinabi ni Lacson na hindi pa naman tapos ang kanilang pagsisiyasat dahil napuwersa silang magsumite ng ulat dahil sa deadline na itinakda ni Presidente Rodrigo Duterte.

Kaya’t maaari pa rin aniyang makasuhan sa ikalwang bugso ng imbestigasyon ng task force sina Health Secretary Francisco Duque III at dating PhilHealth senior vice president Rodolfo Del Rosario Jr.

“Baka sa second phase ng investigation maisama. Kasi may pahayag na rin sila na itutuloy-tuloy nila,” sambit pa ni Lacson.

Batay aniya sa nakarating impormasyon na ibinigay kay Senate President Vicente Sotto III, malakas ang ebidenisya laban kina Duque at Del Rosario.

“So mas mabuting hintayin na lang namin ‘yun. Puwede kaming magsalita na kapos o kulang ‘yung nirekomenda ng DOJ. Pero kung hindi pa tapos ang investigation, baka we might be speaking too soon,” ani Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?