61

Dec 12, 2017 @ 19:27

Senado inimbitahan na si Noynoy sa pagdinig sa Dengvaxia

Naisilbi na ang imbitasyon ng Senate blue ribbon committee kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III para sa pagdinig sa Huwebes ukol sa anti-dengue vaccine.

Naisilbi na rin ang imbitasyon para sa mga dating miyembro ng kanyang gabinete na sina dating Executive Secretary Paquito Ochoa at dating Budget Secretary Florencio Abad.

Wala pang abiso kung sisipot ang tatlo sa pagdinig.

Ayon kay Sen. Richard Gordon, chairman ng Blue ribbon, inimbitahan si Aquino para bigyan ito ng pagkakataon na magpaliwanag ukol sa diumano’y pagmamadali ng buong administrasyon nito sa pagbili at paggamit ng bagong tuklas pa lamang noon na bakuna laban sa Dengue na Dengvaxia ng kumpanyang Sanofi Pasteur.

Sa pagdinig ng Senado nitong Lunes, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) batay sa writtern authorization ng tanggapan ni Aquino, pirmado ni Ochoa, na kinuha ang P3 bilyong ipinambayad sa Sanofi Pasteur sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF) kung saan inilagak ang savings ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Sinabi ni Gordon na hindi naman pipilitin si Aquino na dumalo sa pagdinig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?