46

Jan 7, 2022 @ 17:25
By

Senado ikakandado ni Sotto

Inihayag ni Senate President Tito Sotto na ipapasara niya ang gusali ng Senado mula Enero 10-16 para ma-disinfect sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19.

Batay sa ulat ng medical team ng Senado, sinabi ni Sotto na kasalukuyan, may 46 empleyado ang nagpositibo sa virus habang 175 naman ang isinailalim sa quarantine.

“Medical has sent a memo recommending seven days of total closure of the Senate from January 10 (Monday) to January 16 (Sunday). They will conduct thorough disinfection and this will lessen contact among employees to prevent or slow down virus transmission,” sabi ni Sotto sa viber message sa mga reporter.

“I will heed the call of the medical team! Will order it now,” dagdag nito.

Ayon pa kay Sotto, limang miyembro ng medical bureau ang naka-quarantine din kaya’t nabawasan ng todo ang workforce ng Senado.

Sa isang linggong pagsra, tanging ang mga magdi-disinfect lang ang papayagang pumaso sa gusali ng Senado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?