818

Dec 4, 2019 @ 16:56
By

Senado hindi dapat sisihin sa water service contracts – Recto

Wala umanong kinalaman ang Senado sa paggawa ng dalawang water concession deal, na ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte ay ‘disadvantageous’ sa gobyerno, pahayag ni Senate Pro Tempore Ralph Recto.

“Senators were not part of crafting any agreement then and now,” pahayag ni Recto sa kanyang text message sa mga reporter nitong Miyerkoles.

Ginawa ni Recto ang pahayag matapos magbanta si Duterte na kanyang kakasuhan ang mga senador ng economic sabotage sa pag-apruba ng ilang pabigat na probisyon sa 1997 concession agreement sa Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Company Inc.

Nangako pa itong kanyang ibubunyag ang mga mambabatas na nag-participate sa paggawa ng naturang mga kontrata.

Giit naman Senate Minority Leader Franklin Drilon, “I did not in any manner participate in the drafting of the concession agreement.”

Iba naman ang pagkaintindi ni Senate President Vicente Sotto III sa sinabi ni Duterte tungkol sa water concession contract.

“After hearing his explanation last night on how we are being taken for a ride by these concessionaires, I told him I’m supporting him 100 percent on the issue,” ani Sotto.

Ayon naman kay Senador Francis Tolentino, naiitindihan naman niya ang galit ni Duterte sa Maynilad at Manila Water dahil ‘disadvantageous’ aniya ito sa lahat ng mga Pinoy.

“The President is always on the side of the people… and that’s part of his constitutional duty,” sabi ni Tolentino.

Suportado naman ni Senadora Imee Marcos ang pahayag ni Duterte.

“Water is universally recognized as a human right, not merely a commodity. I support PRRD’s desire to assail these onerous contract that deprive Filipinos of both their right to water, as well as impose liabilities upon [Philippine] government even when service and supply fails,” ani Marcos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?