61

Jan 8, 2018 @ 13:01

Senado gustong buwagin kaya sinisiraan ni Alvarez – Drilon

Diskumpiyado si Senate minority leader Franklin Drilon sa tunay na intension ng pagbanat ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Senado.

Hinihinala ni Drilon na inumpisahan ni Alvarez ang paninira sa Senado upang maikundisyon ang sitwasyon dahil gusto nilang buwagin ang Senado.

“I am very alarmed and concerned about this continued attack on the Senate. It appears to be part of deliberate and sustained efforts to weaken and embarrass the Senate as an institution,” ayon kay Drilon.

“For me, these attacks are meant to demean the Senate in order to lay the groundwork for the abolition of the senate and pave the way for a unilateral congress,” dagdag nito.

Una rito, tinawag ni Alvarez ang Senado na “mabagal na kapulungan” dahil nakabimbin dito ang maraming panukalang batas na inaprubahan na ng Kamara.

“I am saddened. This is the first time, in my 20 years as a senator, that I have seen a Speaker attacking the Senate,” ani Drilon.

“It demeans the Senate as an institution. It could weaken the Senate as one of the pillars of the democracy, which provides the necessary check and balance to hold our officials accountable,” patuloy nito.

Nakita pa ni Drilon sa kamara ang mga karatula na nagsasaad na “One Congress” na ibig sabihin ay Kamara lamang ang matitira at bubuwagin na ang Senado. Isaac Mendez

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?