39

Oct 11, 2017 @ 7:28

Senado: Faeldon, 11 iba kasuhan sa P6.4B shabu shipment

Inirekomenda ng Senado na sampahan ng kasong kriminal si dating Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon at 11 iba pa kaugnay ng kontroberisyal na P6.4 bilyon shabu shipment mula China.

Sa ipinalabas na draft report ng Senate blue ribbon committee na siyang nag-imbestiga sa kaso, inirerekomenda nitong kasi ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt and violation of the customs and tariff administration ang dating BOC chief.

Bukod kay Faeldon, kasamang pinakakasuhan ng graft sina dating BOC Deputy Comm. Gerardo Gambala, ex Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) head Col. Neil Anthony Estrella, dating Import Assessment services (IAS) director Capt. Milo Maestrecampo, intelligence officer Joel Pinawin.

Lumabag din umano sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act sina Pinawin at Estrella.

“The committee recommends filing criminal charges against all the officers of the Command Center (ComCen) and other personalities as specified in the report. The ‘tara’system as discovered by this committee must be utterly dismantled and never allowed to come into existence again,” ayon pa sa 52-pahinang committee report.

“What happened here is so grave and shocking to the senses because the BOC has failed to guard our portals from the entry of drugs that kill us and our countrymen. Our sentinels have failed us,” dagdag pa doon.

Inirekomenda din ng committee na kasuhan ang anim pang pang individual sa pangunguna ni Customs broker Mark Taguba dahil sa pag-import ng naturang illegal drugs.

Ang iba pang pinakakasuhan ay sina Davao City Councilor Nilo “Small” Abellera na bahagi diumano ng Davao Group, negosyanteng Kenneth Dong – ang facilitator ng shipment, ang “consignee-for-hire” na si Eirene Mae Tatad, Chen Ju Long alyas Richard Chen/Richard Tan – ang consolidator ng mga inangkat na produkto at Teejay Marcellana, isang licensed customs broker. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?