27

Nov 28, 2018 @ 18:40
By

Senado double-time na sa 2019 budget

Nangako ang liderato ng Senado na aapurahin ang paghimay at pag-aprub ng kapulungan sa panukalang pambansang badyet para sa 2019.

Matapos makipagpulong kay Budget Sec. Benjamin Diokno, sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na magdaraos sila ng sesyon mula Lunes hanggang Biyernes, mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi.

Uumpisahan ito sa Disyembre 4.

Gagawin ito para maaprubahan ng Senado sa Disyembre 12 ang badyet at magdamag na bubunuin sa Bicameral Conference Committee upang maratipikahan ng Senado at Kamara sa Disyembre 13.

“There’s an appeal from Malacañang and all agencies if we can approve the budget before January 1. Ang plano namin, ang counter proposal namin is to work double time,” ayon kay Zubiri.

“We would like to show the public that the Senate is willing to work double-time, over time even though we just got the budget only a few days ago. But we will do our job,” pagtiyak ni Zubiri.

Ayon naman kay Senate President Vicente Sotto III, puwedeng bilisan ang pagdinig sa budget kung magiging mabilis ang interpelasyon o pagbusisi rito ng mga senador.

“Baka nga,” ang tugon ni Sotto kung posibleng magdaos ng special session ang Kongreso bago sumapit ang araw ng Pasko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?