110

Oct 5, 2019 @ 18:29
By

Senado dapat tiyaking ‘di na uulit ang isyu ng ‘ninja cops’ – Tolentino

Giniit ni Senador Francis Tolentino na tungkulin ng Senado sa mga pagdinig na tiyaking magkaroon ng mga constitutional remedy para hindi na maulit ang paglaganap ng mga “ninja cop” o mga tiwaling pulis na nasasangkot sa pagbebenta ng iligal na droga.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Tolentino na kailangan ang constitutional remedy upang hindi na aniya maulit pa ang isyu sa mga susunod na panahon.

“The role of the Senate is to provide constitutional remedies na hindi na maulit…,” ayon kay Tolentino.

Kasalukuyang gumugulong sa Senado ang pagdinig hinggil sa mga ninja cop na sangkot umano sa muling pagbebenta ng mga nakumpiska nilang iligal na droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?