117
ABANTE Leyte Rep. Vicente Veloso senado pederalismo
Jan 21, 2018 @ 15:13
By

Senado buwagin na sa ilalim ng pederalismo – Veloso

Patuloy na umiinit ang iringan ng Senado at Kamara sa usapin ng Charter Change.

Dahil sa pang-iinsultong tinanggap mula sa mga senador, napapaisip naman ngayon ang mga kongresista na buwagin na ang Senado sa ilalim ng isinusulong na pagpapalit ng sistema ng gobyerno tungo sa federal form.

Ayon kay Leyte Rep. Vicente Veloso, dalawa ang nakikita nilang rason dito. Una ay dahil magastos masyado at pangalawa ay dahil hindi kasing husay dati ang mga senador ngayon.

“Well, hindi ako ang nagsasabi nito ha. Ito lang ang observations ng mga kasamahan. Tingnan mo, sino sino ba ang mga senador dyan that have the stature of Recto, Tolentino…yong magagaling…Diokno, Salonga,” ani Veloso.

Pero sabi ng kongresista, ang isa pang opsyon ay panatilihin ang Senado pero gagawin na lamang itong “training ground for presidency”.

Ipinaliwanag ni Veloso na duplication lamang naman ng kanilang trabaho ang ginagawa ng mga senador at pagkatapos ay doon pa natetengga ang ipinapasang mga panukalang batas.

“Legislation will be basic responsibility ng mga kongresista. We call them federal assemblymen. Ang senado, we will make it a point to be the training ground for presidency. So siguro, wala na silang pakialam sa budget, wala na silang pakialam sa law-making. Doon na sila sa confirmation kasi ibabalik namin ang confirmation even sa Judiciary eh…doon na sila. At treaty ratification. Other important matters na kailangan naman ma-exercise ng Senado,” paliwanag ng kongresista. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?