22

May 15, 2020 @ 13:04
By

Sen. Pacquiao, muling pinasalamatan si Jack Ma para sa COVID-19 test kits donations

Muling pinasalamatan ni Senator Manny Pacquiao si Chinese business magnate Jack Ma sa panibagong donasyon nitong 50,000 coronavirus test kits para sa bansa.

Nitong Huwebes dumating sa bansa ang kahong-kahong test kits mula kay Jack Ma at Jack Ma Foundation.


“Thank you Jack Ma and the Jack Ma Foundation for partnering with
@MPac_Foundation to provide more testing kits and extraction kits for people all over the Philippines!” tweet ni Sen. Pacquiao.

Sabi pa nito, “You are an inspiration to us all during this pandemic.”

Ito ang ikalawang beses na tumulong ang Chinese billionaire sa Manny Pacquiao Foundation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?