109

Apr 7, 2020 @ 18:59
By

Sen. Grace Poe namahagi ng 1,000 rapid test kits sa mga barangay

Namahagi ng 1,000 rapid test kits sa iba’t ibang barangay health center sa Metro Manila si Senator Grace Poe na kanyang ibinahagi sa Instagram nitong Martes.

Ayon sa kanya, hangad nitong mapabilis ang pagtukoy sa mga coronavirus disease cases sa mga lugar at mapabilis ang contact tracing.

Sa mga larawan na ipinost ni Sen. Poe, makikita na sya mismo ang nagaasikaso sa mga rapid test kits.


Caption nito, “Maraming salamat sa mga taong naging daan upang makapagbigay tayo ng 1000 rapid test kits sa iba’t-ibang Barangay Health Centers sa Metro Manila. Isa itong hakbang tungo sa mabilis na pagtukoy ng mga may Covid-19 sa isang lokalidad upang mapabilis ang contact tracing at maiwasan ang paglaganap pa ng sakit.”

Nitong Martes, pumalo na sa 3,764 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?