120

Apr 13, 2019 @ 10:50
By

Sen. Grace Poe dismayado sa kawalan ng kuryente, tubig

Nagpahayag ng pagkadismaya si Senadora Grace Poe sa nagaganap na rotational brownout at sa kawalan ng tubig sa Metro Manila at ilang katabing probinsya.

Ayon kay Poe, na siyang namumuno sa Senate committee para sa mga pampublikong serbisyo, napaaga ang kalbaryo para sa mga mamamayan bagama’t mayroon pang isang linggo bago ang Holy Week.

Aniya, ” No water, no electricity, no internet. This is already calvary, and it’s still a week before Holy Week. Penitence came early for the public.”

Binalaan niya ang mga power companies na maaaring humarap sila sa mga parusa kapag hindi maganda ang kanilang serbisyo sa mga customer.

Samantala, nagbigay naman ng abiso ang National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) na maaaring makaranas ng rotational brownouts ang probinsya ng Benguet, Isabela, Nueva Vizcaya, Ifugao, Quirino, La Union, Bataan, Albay, Quezon, Laguna, Batangas, Camarines Sur, Camarines Norte, Pangasinan, Sorsogon, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora at Pampanga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?