43
TNT-ABANTE-TONITE-sonny-angara
By

Sen.Angara aprub kina Coco Martin o Dennis Trillo para sa kanyang life story

Sharing is caring!

Kung ipalalabas ang life story ni Sen. Sonny Angara, okay daw sa senador na sina Coco Martin o Dernnis Trillo ang gumanap sa kanya.

Kasi, bukod sa sikat na sikat si Coco at ang pinagbibidahang TV series na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, ayos sa kanya ang kulay kayumanggi ng actor na siya ring complexion ni Senator Sonny.

Esplika niya, “Si Coco ay kayumanggi eh, Filipinong-Filipino ang itsura ni Coco. And kung sa taga-GMA7 naman, okay sa akin si Dennis Trillo. Kasi, tulad ni Coco, Pinoy na Pinoy din ang itsura ni Dennis, eh.”

Noong 2016, naipalabas na ang love story nina Sen. Sonny at ng misis niyang si Tootsy sa Wagas. Gumanap dito sina Mikael Daez at Carla Humphries bilang Mr. and Mrs. Sonny Angara.

Naikuwento rin ni Sen. Angara na napanood niya ang pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral at nagustuhan niya ang pelikulang ito ni Direk Jerrold Tarog.

“Maganda iyong pelikula, pinaghirapan talaga at malaki ang casts at malaki yung production ng movie,” aniya pa.

Bukod kay Direk Jerrold, gusto rin ng senador ang mga pelikula nina Direk Erik Matti at Brillante Mendoza.

Samantala, isinusulong din ni Sen. Sonny ang bill para sa tax incentives sa film at TV tourism. Base sa bill na ito, bibigyan ng tax incentives at iba pang perks ang foreign filmmakers at television producers upang maengganyo silang dito sa Pilipinas gumawa ng pelikula o mag-shoot ng TV show.

Aniya, “Film tourism is a growing phenomenon wherein tourists visit destinations that they saw in movies, televisions, or videos. We have to take advantage of this trend by encouraging foreign film producers to shoot here in our country in exchange for certain benefits.”

Nag-file ng bill si Sen. Angara, ang Senate Bill 1330 o ang ‘Philippine Film and Television Toursim Act’ na naglalayon na bigyan ang international or foreign film or TV production, ng tax at duty free importation ng kanilang film equipments.

Ang naturang bill ay magkakaloob din sa foreign nationals na kasali sa film or TV production ng multiple-entry special visa na valid para sa isang taon.

Ang iminungkahing batas ay nagbibigay din ng mandato na likhain ang Philippine film and Television Tourism Authority (PFTTA), na magfa-facilitate ng one-stop-shop system para sa foreign film and TV entities na nasa location shoot sa bansa.

Ito ay nagbibigay din sa kanila ng gawain upang i-promote ang Pilipinas bilang location site para sa production ng mga international films at TV programs.

“Film and TV tourism is an important marketing tool- locally-shot international movies can serve as huge ‘advertising billboards’ that will surely entice foreign tourists to visit the country,” wika pa ni Sen. Angara.

Bukod sa innovative and cost-effective na pamamaraan ng pag-akit sa mga turista, sinabi ni Sen. Sonny na ang film and TV tourism ay nakakatulong sa pagkakaroon ng employment opportunities, recognize Filipino talent, at i-enhance ang international profile ng Pilipinas.

“We should recognize the tourism industry’s multiplier effect on jobs, as well as the economic activity it brings into our country, especially to the countryside,” sabi pa ni Sen. Angara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?