18

Oct 12, 2021 @ 16:56
By

Sementeryo sa NCR kandado sa undas – Abalos

Napagkasunduan na umano ng mga alkalde ng Metro Manila na isara ang mga pampubliko at pribadong sementeryo sa rehiyon mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos.

“Para makatulong sa hindi pagkalat ng mga sakit, baka magsabayan na naman tayo, we opted na ‘yung ginawa last year, i-adopt ulit. Instead of going to the cemetery on November 1, ang gagawin na lang natin pumunta na, ngayon pa lang dumalaw na. I-spread na natin sa maraming araw para ‘wag magkahawaan, that is the purpose of this,” pahayag ni Abalos ngayong Martes.

“If you are going to close it for just one day or two days ganun din ang magiging effect, if you close it on November 1 or November 2 magsisiksikan ng October 31 that is the logic here. I hope maunawaan nating lahat,” dagdag pa ni Abalos.

Kaya naman, ang mga nagbabalak magpunta sa sementeryo ay maaaring magpunta bago ang Oktubre 29 at pagkatapos ng Nobyembre 2.

Sa mga petsa na bukas ang mga sementeryo, kailangan pa ring sumunod sa health protocols at sundin ang 30% na venue capacity. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?