5

Sep 10, 2020 @ 13:58
By

Sementeryo sa Mandaluyong sarado rin sa Araw ng mga Patay

Mga ka-Tabloidista, agahan na ang pagpunta sa mga sementeryo sa Mandaluyong dahil isasara na ang mga ito mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3.

Napaulat na sinabi ito ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos ngayong Miyerkoles, Setyembre 9.

Bukod sa Mandaluyong, ikakandado rin ang lahat ng sementeryo sa Manila City sa parehong panahon upang makaiwas umano sa mass gathering pagsapit ng Araw ng mga Patay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?