92

Aug 9, 2019 @ 9:46

Semana, Philippine Air Force Lady Jet Spikers nagbabalik

Sa pagbabalik ng PH Air Force Lady Jet Spikers sa liga, tiyak na pahihirapan ng mga ito ang kanilang mga makakatapat sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference.

Binubuo ng mga veteran player ang Air Force kaya asahan na hindi basta-basta ang kanilang ipapakita.

Hindi nakasali ang mga ito noong Reinforced Conference ngunit papatunayan ng PH Air Force na isa rin sila sa magpapasiklab ngayong Open Conference.

Ibabandera nina veteran Wendy Semana, Joy Cases, Dell Palomata, Mary Ann Pantino, Judy Caballejo, Angel Antipuesto, Mary Ann Balmaceda ang panig ng Jet Spikers.

Para sa unang laban, makakatapat ng PH Air Force Lady Jet Spikers ang Creamline Cool Smashers sa opening day, Agosto 11. (Janiel Abby Toralba)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?