79

By

Selosang misis grinipuhan sa tiyan si mister

Todas ang isang mister makaraang saksakin ng kaniyang misis nang magtalo sa loob ng kanilang silid sa Quezon City, Linggo ng gabi.

Kinilala ni acting Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Col. Ronnie Montejo ang biktima na si Michael Querobin Sarmiento, 35, painter at residente ng Brgy. Commonwealth.

Agad namang naaresto ang misis ng biktima na si Jissel Villena Marabillo, 23, warehouse maintenance.

Batay sa imbestigasyon ni PSsgt. Anthony Tejerero ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, naganap ang krimen bandang alas-9:45 ng gabi (November 17) sa loob ng nasabing tahanan ng mag-asawa.

Sa pahayag ni Christine Joy Sarmiento, kapatid ng biktima, narinig umano niyang nagtatalo ang mag-asawa sa silid na tila may pinagseselosang third party subalit hindi maliwanag sa kaniya kung sino sa dalawa ang nangangaliwa.

Maya-maya ay narinig na lamang umano ni Christine Joy na sumisigaw at humihingi ng saklolo ang kapatid na si Michael kaya tinawag niya ang pamangkin na si Rendelyn, subalit nang buksan nila ang pintuan ng silid ng mga ito ay nakita na lamang nilang duguan nang nakabulagta ang biktima sa sahig habang tulalang nakaupo at hawak pa ni Jissel ang kutsilyong ginamit nito sa pananaksak.

Agad na isinugod sa East Avenue Medical Center ang biktima subalit binawian din ito ng buhay sanhi ng isang malalim na saksak sa tiyan dakong alas-10:27 ng gabi, ayon kay Dr. Dean Xyrus Seares.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?