886
Large scale estafa inihahanda na laban sa mga Kapa officer
By

Selos, pangunahing motibo sa pagpaslang kay Silawan – NBI

Sobrang pagseselos umano ang nagtulak sa 17-anyos na lalaki para gawin ang karumal-dumal na pagpatay kay Christine Silawan, na binalatan ang mukha at tinanggalan pa ng lamanloob.

Killer ni Christine, may sakit sa pag-iisip – PNP

“It was a crime of passion,” ani Central Visayas National Bureau of Investigation Director (NBI-7) Tomas Enrile matapos maaresto ang suspek noong Marso 16.

3 suspek hina-hunting sa brutal na pagpatay sa Cebu student

Reklamong murder in relation to Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act ang isinampa laban sa suspek sa Lapu-Lapu City Prosecutor’s Office noong Lunes dahil lumabag umano ito sa anti-cybercrime nang gumamit ito ng social media para isakatuparan ang krimen.

Babaeng brutal na pinatay sa Lapu-Lapu, binurdahan ng 20 saksak

Naging pangunahing suspek umano ang lalaki base sa pagpapalitan nila ni Silawan ng mensahe sa Facebook messenger.

Nakakuha rin ang NBI ng 12 footages ng CCTV sa anim na establisyimento kabilang na ang sa Sacred Heart Parish Church kung saan nagsisilbing alms collector ang biktima.

Sa isang security footage makikita ang pagkain ni Christine kasama ang isang lalaki ng balut.

Posible umanong nagselos ang suspek nang makita nito si Christine kasama ang lalaking kaibigan.

Makikita sa iba pang footage ang pagtatalo ni Silawan at ng suspek habang naglalakad malapit sa lugar kung saan pinatay ang biktima.

Huli umanong nakunan ng camera si Silawan at ang suspek patungo ng Barangay Bankal kung saan natagpuang patay ang biktima.

Nabatid sa ginawang imbestigasyon ng NBI-7 na naghiwalay ang dalawa noong Pebrero 28.

Nagkasundong magkita ang biktima at suspek noong Marso 10 dahil bibigyan umano ng huli ng teddy bear at cellphone ang biktima.

Ang suspek lang umano ang kinatagpo ng biktima noong Marso 10 dakong alas-sais ng gabi sa Sacred Heart Church habang natagpuang patay si Silawan umaga ng Marso 11 na may 20 saksak sa katawan, balat ang mukha at nawawala ang ilang lamanloob.

Kinilala umano ng mga saksi ang biktima at suspek na siyang nakunan ng CCTV.

May nakita rin umanong mga galos sa katawan ng suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?