62

Sep 16, 2021 @ 12:30
By

Seller naisahan ng Lazada? Returned items napadpad sa FB Marketplace

Isang seller sa Lazada ang kasalukuyang umaaray matapos mawalan ng P150,000 halaga ng panindang hindi niya na mahagilap kung saan napunta.

Reklamo niya, hindi kasi nakakarating sa kanya ang mga returned items mula sa kanyang mga buyer.

Aniya, imbes na mapunta sa kanya ang mga binabalik na item ay nakikita niya itong ibnibenta sa mas mababang halaga sa Facebook Marketplace.

Ani Jefferson Sy, limang beses nang naloko ang kanyang shop sa magkakaparehong patibong na biglaang pagkansela ng order.

Kuwento niya, may nag-order na sa kanyang costumer mula Laguna at nang ipinadala na niya ang item ay biglang nag-cancel ang customer.

Nang maibalik na sa kanyang ang produkto ay ibang item na ito imbes na mga computer accessories.

“Sobrang conscious ko sa store rating at reputation ko para may confidence ang customers ko pag bumibili sila sakin. Para sa kaalaman ng lahat, hindi madali magkaroon ng 100% ratings sa lahat ng categories,” reklamo ni Sy sa kanyang Facebook post.

“Pero dahil sa mga ganitong modus, nasisira ang tiwala nila dahil sa kagagawan ng iba,” dagdag pa niya.

Aniya, dahil sa paulit-ulit na pangmomodus ay naghain na siya ng refund request sa Lazada ngunit naka-cancel aniya ito.

Sambit niya, imbes na kanyang item ang matanggap niya mula sa Lazada, naka-bubble wrap na lotion at sabon ang ibinabalik sa kanya.

“Obviously, wala na ko maasahan sa Lazada so I’m posting this here in public. Para sa small time seller na gaya ko (I only do this part time), this amount is not pocket change! Alam naman natin lahat na we are all trying to get by this pandemic,” ani Sy.

“Hindi ko masikmura walang ginagawa ang Lazada sa mga ganitong modus. Mas lalo naeengganyo mga tao na gumawa neto kasi alam nila na hindi sila hinuhuli at makakalusot sila lagi,” dagdag ng seller.

“Tandaan, kung kaya nila gawin to sakin, kaya rin ni Lazada gawin to SAYO. COVID na nga, dumagdag pa to sa sakit ng ulo. Nakawan? #NasaLazadaYan,” hirit pa ni Sy. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?