18

Sep 30, 2020 @ 8:33
By

Selina, Kevin hiwalay ng hotel

Magsisimula na ang bubble kaya nasa Clark Freeport na ang 12 Philippine Basketball Association (PBA) team Martes, iniwan munang pansamantala ng mga player ang kanilang mga nobya o asawa.

Ilang sa mga baller ang nag-post pa ng sweet messages sa kanilang mga mahal sa buhay dahil mahigit dalawang buwan silang hindi magkakapiling.

Pero mapapa-sana all na lang talaga ang marami para sa mag-asawang Kevin Louie Alas at Selina Dagdag.

Parehong kasama ang NLEX Road Warrios point uard at misis sa bubble bilang courtside reporter. Pero hindi sila magkasama sa isang hotel.

Ani Dagdag sa kanyang socmed post, “Unfortunately we’re assigned separate hotels.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?