105

By

Selfie photo ni Bong Revilla sa kulungan, iimbestigahan ng PNP

Sharing is caring!

Mahigpit na ipinagbabawal ang cellphones at iba pang gadgets sa mga bilanggo sa loob ng kulungan sa buong bansa maging ang mga bisita ay hindi rin pinapayagang magpasok ng anumang uri ng gamit pangkomunikasyon.

Ito ang dahilan kaya iniimbestigahan ngayon ang pulis na naka-duty sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame matapos maglabas ng “selfie” si dating Senador Bong Revilla habang nasa loob ng kulungan.

Sinisiyasat na umano ng PNP Headquarters Support Service kung paanong nagkaroon ng cell phone si Revilla.

Kinumpiska na ang naturang cell phone kahapon ng mga miyembro ng

HSS.

Samantala, dinepensahan naman ng kanyang misis na si Bacoor Mayor Lani Mercado si Revilla at sinabing hindi sa dating senador ang naturang Facebook account kung saan lumabas ang larawan ng mister.

Aniya, may administrator umano ang naturang FB account at sinabing walang access sa telepono si Revilla. Lumang litrato na umano ang lumabas na larawan nito.

Apat na taon na sa kulungan si Revilla dahil sa kinakaharap nitong kasong plunder at ang naturang kontrobersiyal na litrato ay “anniversary selfie” umano nito sa loob ng bilangguan. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?