120

Jul 4, 2022 @ 22:15
By

‘Self-serving’: Jinggoy kontra sa term extension ng Pangulo, VP

Hindi makakalusot kay Senador Jinggoy Estrada ang panukalang term extension para sa President at Vice President.

“Is that self-serving? That’s self-serving. I will not allow it,” pahayag niya nang tanungin kung pabor sa nasabing panukala.

Paliwanag niya, sila naman aniya ang sisisihin ng publiko kapag binago ang term limit.

“Kami naman ang sisisihin ng taumbayan, ‘Kaya kayo nandiyan kasi gusto ninyo magpa-extend ng term’ alam mo ‘yung mga ganu’n ba. So, I’m very meticulous about it,” saad niya.

Si Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., ang naghain ng resolusyon para sa five-year term ng President at Vice President, at isang reelection.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?