58

Nov 25, 2021 @ 13:52
By

Self-defense daw! Parak binoga kelot dahil sa face mask

Iniimbestigahan ngayon ang dalawang magkaibang testimonya tungkol sa nangyaring pamamaril ng isang parak sa isang 20-anyos na lalaki sa Pampanga kaugnay ng pag-sita sa ‘di pagsusuot ng face mask.

Ayon sa testimonya ng pamilya ng biktima na si Abelardo Vasquez, nasa gitna sila ng kasiyahan noong Sabado nang lapitan sila ng pulis na si Police Corporal Alvin Pastorin para sitahin sa ‘di pagsusuot ng face mask.

“‘Yung tito ko po nun, kinausap niya, ‘Ano pong problema sir?’ Tapos ‘yun, nakipag-ayos na po. Okay na. Nagkahiwalay-hiwalay na po kami. Tapos, nung pagtalikod po namin, nakakatatlong hakbang pa lang kami, biglang may pumutok na baril,” saad sa kwento ng pinsan ng biktima.

Ngunit iba naman umano ang kwento ni Pastorin.

Sa panig ng parak, sinabi nito, na pagkasita niya sa grupo nila Vasquez ay kinuyog umano siya kaya’t nagpaputok ng baril bilang self-defense.

Patay sa tatlong tama ng baril sa katawan si Vasquez.

Nagsampa ng kasong homicide ang pamilya ng biktima laban kay Pastorin.

Sa kabilang dako, nagsampa rin ng kaso ang parak laban sa pamilya ng biktima gaya ng attempted homicide, direct assault at malicious mischief.

Dahil sa magkaibang kwento ng dalawang panig, nangako ang Pampanga police na iimbestigahan nila ito nang mabuti. (mjd)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?