342
Selena Gomez pakakasal daw sa 68-anyos na si Bill Murray
By

Selena Gomez pakakasal daw sa 68-anyos na si Bill Murray

Umingay ang debut ni Selena Gomez sa Cannes Film Festival matapos nitong magpakawala ng joke hinggil sa kaniyang pagpapakasal.

Sa Instagram, nag-post si Selena ng larawan niya sa ginanap na festival at ginulantang ang kaniyang mga follower nang sabihin pakakasal siya sa 68-anyos niyang co-star na si Bill Murray.

“My first time in Cannes! I’m so honored to have been a part of this movie with Jim and the whole cast. By the way Bill Murray and I are getting married,” caption ni Selena habang nasa red carpet.

Nagbiro rin ang kaniyang mga follower at sinabing nakakarinig na sila ng “funeral bells”.

“u got it wrong its nt the wedding bell its a funeral bells.”

“I can hear funeral bells already.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?