58

Jan 15, 2021 @ 22:33
By

Selena Gomez nagluto ng Pinoy adobo, turon

Natutong magluto ng kilalang Filipino foods na adobo at turon si American actress-singer Selena Gomez.

Sa post ng fan page na selenators_ph, ibinahagi ang ilang screenshot sa upcoming episode ng HBO Max series na “Selena + Chef 2”.

Makikita roon ang pagluluto ni Selena ng Pinoy adobo, na ginamitan din ng Philippine brand ng suka, at turon sa tulong ng Filipino-American chef na si Jordan Andino.

Nag-post din ang Fil-Am chef ng official trailer ng second season ng “Selena + Chef” sa kanyang Instagram.

“Super stoked and excited to have cooked with @SelenaGomez for her show Selena + Chef! I can’t for y’all to see it. If you haven’t watched it already, it’s my like my Instagram Lives but 1000x more professional!” caption ni Andino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?