8

Feb 2, 2021 @ 13:51
By

Selebrasyon ng Chinese New Year limitado sa 10 katao

Pangangasiwaan ng San Juan local government ang mga aktibidad sa lungsod sa darating na Chinese New Year, Pebrero 12.

Sa isang executive order, sinabi ni San Juan Mayor Francis Zamora na limitado lang sa sampu katao ang maaaring makiisa sa kada aktibidad sa nasabing event.

Sakop ng kautusan ang mga pribado at pampublikong espasyo.

“Only a maximum of ten (10) persons for every event, activity, or festivity in celebration of the Chinese New Year shall be allowed,” saad sa EO.

“This guideline is applicable in both public (parks, malls, restaurants) and private (homes, subdivisions, condominiums) places,” dagdag pa.

Inutusan din ng alkalde ang mga mall at mga kainan na magdaraos ng Chinese New Year activities na sumunod sa minimum health standards na pinag-uutos ng pambansang gobyerno.

Ang magpapatupad aniya ng EO ay ang mga law enforcer, City Traffic and Parking Management Office, Public Order and Safety Office, Task Force Disiplina, barangay officials and police/task force, at mga barangay tanod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?