68

Oct 30, 2017 @ 12:36

Sekyu sa Customs, sabit sa SALN

Sinuspinde ng Department of Finance ang isang guwardiya sa Bureau of Customs dahil sa kulang na detalye sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN.

Suspensyon na tatlong buwan ng walang suweldo ang ipinataw kay Jacinto Villaviray, Security Guard II ng Customs Bureau at maari din itong hindi makakuha ng promosyon.

Unang nadiskubre ng Civil Service Commission na hindi isinama ni Villaviray sa kanyang 2014 SALN ang kanyang business interests.

Hindi na nabanggit sa ulat ng DOF kung ano-ano at magkano ang halaga ng mga negosyo ni Villaviray.

Samantala, katulad na parusa ang ipinataw din ng kagawaran kay South Upi, Maguindanao treasurer Onofre Natividad.

Ang suspension kay Natividad ay dahil sa simple neglect of duty nang mabigo itong i-remit sa Pag-Ibig at GSIS ang kontribusyon ng mga kawani ng pamahalaang-bayan gayundin ang kanilang buwis noong Enero hanggang Disyembre ng taon 2007.(Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?